│"Nay, anong "ewen"?│
│isang musmos na anak na nagtatanong sa kanyang ina│
│"Ewen", slang ng ewan...│
│mapagbirong ina│
Nitong mga araw ay parang nakakapagod dahil laging walang ginagawa at minsan naman may napakaraming ginagawa. Diba? Kaya't lagi nalang akong nakatutulog sa sala ng bahay o minsan nama'y sa aking silid aralan ( sa aking mga asignatura ). Ngunit dumating ang isang pagkakataon na nagsalita ang isa kong kamag-aral (mga bading) at nagsasalita ng mga slang na mga salita hanggang sa masabi niya ang salitang "ewen" na ang ibig sabihin pala ay "ewan" slang daw kasi.
At dahil sa medyo corny ngunit nakakatawang bagay na yun ay naisip ko ang isang post ko sa aking blog na tungkol sa garden whatever. Kaya't pinamagatan ko itong "Ang Garden of Ewen" na ang ibig sabihin at hardin ng isang ewan o hardin ng mga wala lang pero ang isang to ay medyo may kalatoy latoy dahil ito'y tungkol sa mga hardin ng aking mga kakilala...
Heto na sila:
"(sa kaliwa) litrato ng isang bulaklak ng euphorbia matapos mabasa ng ulan;
(sa kanan) isang litrato ng matayog na puno sa isang mangroove nursery."
Ito ang mistulang mga laman ng mga hardin ni Ewen. Mga bagay na mukhang di dapat sa harin ngunit naroon ngunit sa kabilang banda ay namumukod tangi ang pagiging hardin dahil sa mga bulaklak. ^_^
1 comments:
at: January 10, 2009 at 3:04 PM said...
wow... nice shots...
Post a Comment