Search

 

Content

Image and video hosting by TinyPic
December 10, 2008

Ang Nakaraang "Integration"

Ako ito: habang nakapose

Mga ilang bata sa tabing dagat habang nagpapahinga
matapos maligo

Ang Bakawan: isang kahoy sa tabi

Ang Butas sa Kahoy: habang naglalakad nakita
ko ang kakaibang puno na may butas sa gitna

Ang dagat: ganito sana kaganda ang "nursery" ng lahat ng bakawan

Ang mga naglalakihang mga puno ng bakawan:
nagsisilbing tahanan

Dagat: aakalain mong malinis ngunit marumi

Ang maruming tabing dagat: dahilan ng pagkasira ng mundo


Isang matayog na puno sa gitna ng bakawanan. Luntian
at malakas


Noong nakaraang Unang Semester ko sa kolehiyo, mayroon akong asignatura tungkol sa Relihiyon o RE111, tungkol sa Old Testament ng Bibliya/Bible. Ayon sa among guro, magkakaroon daw kami ng "Integration" o isang bagay na paraan ng pagtulong.

Para sa mga katulad naming nasa RE111 pa lamang, kami at tatanim ng mga bakawan sa isang lugar dito sa General Santos. Sa araw din yun, kinakailangan na makapagtanim kami ng 10 bakawan kada grupo upang makapasa.

Matapos magtanim, bilang lider, nagkaroon kami ng isang documentary o pagsasadokumento ng mga nangyari. Dahil sa pagpoproseso ng mga bagay bagay, natagalan kami hanggang sa kami nalang ng ilan ko pang mga kasama ang naiwan roon. Dahil kami nalang at ang mga gumabay sa amin, kinuha na namin ang opotunidad na kumuha ng mga litrato.

Ang saya sa pagkuha ng mga litrato dahil iba't ibang lugar ang pinuntahan namin. At ito ang mga nakunan ko.

Dalawang beses kaming pumunta doon, ngunit sa pangawalang beses ay hindi na kami nagtanim. Naparoon lang kami upang tingnan kung buhay pa ang itinanim naming bakawan.

0 comments:

Blog Archive

About the Author

My Photo
General Santos City, Region XII, Philippines
23 year-old artist in my own way. Gradually searching for my purpose, my worth and my life.

Popular Posts