Search

 

Content

Image and video hosting by TinyPic
December 19, 2008

Christmas Countdown - 10 days


"Ang Pasko ay sumapit...
Jingle bells, jingle bells...
We wish you a merry Christmas..."


│ mga linyang laging nasa carolling │

Kailan ba nagsimulang mangaroling ang isang grupo ng bata sa inyong tahanan? Napakinggan mo na ba ang mga kantang ito? Alam mo ba kung papaano kantahin ang mga kantang ito?

Nang magsimula ang buwan ng Oktubre, nagsimulang lumipana ang mga grupo ng bata o manganganta upang mangaroling sa mga bahay bahay. Kasabay ng kanilang pagkanta ay maririnig ang ibat ibang mga instrumento tulad ng gitara, maracas, tambol, at mga tamborine ngunit para sa mga taong wala ni isa sa mga instrumentong ito ay nagsisikap na makagawa ng alternatibo tulad nalang ng tambourine na gawa sa mga pinagpupukpok na tansan ng mga softdrinks at mga tambol na gawa sa mga lata ng gatas o anumang hugis silindriko. Hinding hindi ko makakalimutan ang karanasan na ako'y nakapagcaroling sa isang bahay at awa ng Diyos, nabigyan kami ng pera ngunit meron din namang hindi nagbigay ng pera o grasya sa halip ay pinakahulan sa isang malaking aso. Madalas ay nakakapagtanggap ng pera o grasya ang mga nangangaroling, ngunit sa kabilang dulo naman ay minsan hindi na dahil raw sa dahilang namimihasa o nang aabuso na sa paraang ilang beses ng bumabalik balik. Totoo naman diba? Dala lang talaga siguro ito ng kahirapan at kagipitan.

Ngunit alam niyo kung anong maganda sa karoling? Ginagawa nila ang kanilang makakaya upang makakanta at makagawa lamang ng mga instrumento para sa ikasasaya ng mga kakantahan. Diba? Lalo na kung ito'y mga grupo ng bata na sa halip ay magbigkas ng mga tamang linya ay ibang bersyon ng mga linya ang nabibigkas. Nakakatawa diba? Ngunit iyan ang katotohanan.

10 days na lang pasko na!

0 comments:

Blog Archive

About the Author

My Photo
General Santos City, Region XII, Philippines
23 year-old artist in my own way. Gradually searching for my purpose, my worth and my life.

Popular Posts